Jerry Jandayan
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 28, 2018
  • City of Incident: Tagoloan
  • Province of Incident: Misamis Oriental
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang dalawang magkapatid matapos umano manlaban sa pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental nitong Martes ng gabi.

Armado umano ng kalibre .38 na baril sina Jerry at Jeffrey Jandayan at pinaputukan ang mga awtoridad nang malaman na pulis pala ang ka-transaksyon.

Dagdag ng pulisya, nagtangka pa si Jerry na hagisan ng granada ang mga pulis pero nabaril siya at nahulog ang granada malapit sa mga suspek at pumutok.

“Bago mahagis ni Jerry ang granada sa mga pulis, nabaril na siya kaya nang nahulog ang granada, [silang magkapatid] ang naputokan,” ani SPO4 Englebert Edio, deputy chief ng Tagoloan Municipal Police Station.

Nakuha ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu mula sa bulsa ni Jeffrey, habang 20 pakete naman ng droga ang nakuha mula kay Jerry.

Sa loob lamang ng dalawang buwan, 27 na ang napatay sa drug operations sa rehiyon ng Northern Mindanao.

“Gusto namin iklaro na walang directive na patayin ang mga sangkot sa ilegal na droga. Nalulungkot nga kami sa nangyari. Pero nangyari lamang ito dahil nanlaban ang mga suspek,” ani Supt. Surki Sereñas, spokesperson ng Police Regional Office-10.

Handa din umano ang mga pulis na harapin ang anumang reklamo na ihahain ng pamilya at human rights groups dahil sa kanilang mga operasyon.