Joseph Estrera
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 5, 2018
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

MAYNILA – Patay ang 2 umano’y tulak ng droga matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.
Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Estrera, alyas Betong, at kaniyang kasamahan na kilala lamang sa alyas Enteng. Sangkot din umano ang 2 sa serye ng pagnanakaw sa mga subdivision sa lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon ng San Jose del Monte police, nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek.
Nang aarestuhin ang 2 ay bumunot umano sila ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.
Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga suspek.
Nakalap sa pinangyarihan ng engkuwentro ang 2 kalibre .38 na baril.