Jomar Cuevas
  • Sex: Male
  • Age: 33
  • Occupation: laborer
Incident Details
  • Date of Incident: July 24, 2018
  • City of Incident: Butuan City
  • Province of Incident: Agusan del Norte
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Butuan City Police Station 2
BUTUAN CITY, Agusan Del Norte – Patay ang isang laborer matapos umanong manlaban sa inilatag na buy-bust operation ng Butuan City Police Station 2 sa Purok 1, Barangay Bading, Martes ng hapon.
Ayon sa pulisya, nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na buyer mula kay Jomar Cuevas, 33.
Pero nang makatunog itong pulis ang katransaksiyon, agad siya umanong bumunot ng baril at nagpaputok sa operatiba.
Gumanti naman ang operatiba na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.
Narekober sa crime scene ang buy-bust item na shabu at 5 pang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na walong gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P94,000.
Nakuha din ng operatiba ang baril na ginamit umano ng suspek, mga bala at sling bag na may lamang pera.
Umalma naman ang pamilya ng suspek sa alegasyon ng pulis. Anila, matagal na umanong tumigil sa pagbebenta ng shabu si Cuevas at wala din daw itong baril.