Jolan Naval
  • Sex: Male
  • Age: 38
Incident Details
  • Date of Incident: January 5, 2018
  • Time of Incident: 9:00 pm
  • City of Incident: Navotas City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Navotas City – Dalawa ang patay habang isa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Barangay Daanghari, lungsod ng Navotas.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Jolan Naval habang wala pang pagkakakilanlan ang isa pang lalaki.

Naka-confine naman hanggang ngayon sa Navotas General Hospital ang isa pang biktimang babae matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo.

Ayon sa paunang imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng itim na mitsubishi adventure na may plakang udi 623 at minamaneho ni naval nang tambangan sila ng hindi pa matukoy na dami ng mga gunman sa tapat ng barangay hall ng Barangay Daanghari.

Nakuha mula sa crime scene ang hindi bababa sa dalawampung basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril, isang pistola at mga drug paraphernalia sa loob ng gamit ng mga biktima

Napag-alaman na kabilang sa drug watchlist ng Navotas si naval at tinitingnan nang motibo ngayon ang away ng grupo ng mga nagtutulak ng iligal na droga.