Jesus Funelas
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: June 30, 2018
  • Time of Incident: 9:45 pm
  • City of Incident: Caloocan City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Caloocan City – Dedbo ang dalawang hinihinalang notoryus drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

Sa ulat ni PO1 Ariel Dela Cruz kay Caloocan police chief Sr. Supt. Restituto Arcangel, alas-9:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Special Operation Unit sa pangunguan ni PSI Cecilio Tomas Jr. at PSI Jervies Soriano kontra kina Alvin Maglaya alyas “Alvin” at Jesus Funelas alyas “Itot” sa 888 Libis, Baesa, Brgy. 160.

Isa sa mga operatiba na si PO2 Edimar Cui ang umaktong poseur-buyer na nakipagtransaksiyon sa mga suspek subalit, natunugan ni Maglaya ang presensya ng mga pulis sa naturang lugar.

Agad naglabas ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga operatiba kaya napilitan namang gumanti ng mga putok sina PO1 Rodolfo Calibuso Jr. at PO1 Jowelle Del Rosario hanggang sa tamaan sina Maglaya at Funelas sa katawan na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Ayon kay deputy chief for administration Supt. Ferdinand Del Rosario, narekober sa mga suspek ang 4 na transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, 2 cal. 38 revolver na may mga bala at basyo ng bala.

Sinabi ng pulisya na nasa drug watchlist ang mga suspek na mga estudyante umano ang mga parokyano at sangkot din umano ang mga ito sa criminal na aktibidad. (Rene Manahan)