George Marcon
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: July 1, 2018
  • Time of Incident: 6:00 am
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation
Source(s)

Isang lalaki ang namatay at anim ang naaresto matapos nila umanong manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Lucena City nitong Linggo.

Ayon sa ulat ni Peewee Bacuño sa Super Radyo dzBB, nangyari ang buy-bust operation sa Barangay Dalahican kaninang alas-sais ng umaga.

Nakilala ang suspek na namatay na si George Magpantay Marcon.

Inaresto naman sina Mary Ann Coro Magpantay, Jomar Magpantay Bautista, Jhomark Salamat Rima, Rinato Tianela, Benji Oko Leona, at Edgar Danganan Arcilla.

Nakatakas naman ang isa pang suspek na nakilalang si Manuel Magbilang Magpantay alyas Fruitcake.

Isang poseur-buyer and nakabili ng isang sachet ng shabu, ngunit nakahalata umano ang grupo na pulis ang katransaksiyon nila kaya’t bumunot umano sila ng baril at pinaputukan ang mga pulis mula sa Lucena Drug Enforcement Unit.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay si Marcon.

Narekober mula sa grupo ang isang revolver, ilang drug paraphernalia, at mga pakete ng hinihinalang shabu.