Jerson Canoy
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 2, 2018
  • City of Incident: Malaybalay City
  • Province of Incident: Bukidnon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MALAYBALAY CITY, Bukidnon—Patay ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa lungsod na ito, Huwebes.

Target ng operasyon ang drug suspect na si Jerson Canoy pero nang malaman nitong pulis ang kaniyang ka-transaksiyon ay agad itong nagpaputok kaya napilitan silang barilin ito, sabi ni Supt. Alfredo Ortiz, hepe ng Malaybalay City Police.

Nagpaputok ng 2 beses si Canoy at suwerteng hindi natamaan ang mga opisyal na naka-engkuwentro, sabi ni Ortiz.

Agad namatay ang suspek at narekober sa kaniya ang gamit na revolver na may 3 bala.

Nakuha rin mula kay Canoy ang 38 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.