Harriet Barrameda Serra
  • Sex: Female
  • Age: 60
  • Occupation: Kagawad
Incident Details
  • Date of Incident: July 26, 2020
  • City of Incident: Lagonoy
  • Province of Incident: Camarines Sur
  • Found dead at home
Source(s)

Patay at naliligo sa sari­ling dugo sa loob ng kanyang bahay nang matagpuan ng mga kaanak at residente ang isang 60-anyos na barangay kagawad matapos na pasukin at pagsasaksakin ng suspek sa Brgy. San Sebastian, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan at agad namatay ang biktimang si Harriet Barrameda Serra, residente at incumbent barangay kagawad ng nasabing lugar habang tumakas pero agad ring naaresto ang suspek na si Ronel Aballe Gojoscros, 27-anyos.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang biglang pumasok ang lasing na suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang una saka mabilis na tumakas.