Gary Bulfa Agbon
  • Sex: Male
  • Occupation: police officer 2
Incident Details
  • Date of Incident: December 20, 2018
  • City of Incident: Sibulan
  • Province of Incident: Negros Oriental
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Dead on the spot ang isang “awol” na pulis na kabilang umano sa narco list ang patay habang sugatan ang kanyang dalawang (2) kasama matapos pagbabarilin sa Sibulan, Negros Oriental.

Kinilala ang nasawing biktimang si Gary Bulfa Agbon, na may ranggong Police Officer 2 at residente ng Barangay Taclobo, Dumaguete City, na pinagbabaril ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo Sa Purok 2, Poblacion Sibulan.

Ayon kay Negros Oriental Provincial Police Director Senior Supt. Raul Tacaca, bago ang insidente ay nagtungo ang mga biktima sa police station at bahay ng isang abogado upang humingi ng affidavit of undertaking.

Ito’y upang bawiin ang kanilang mga motorsiklong inimpound matapos umanong masangkot sina agbon sa insidente ng pamamaril noong Disyembre 3.

Inaalam na kung may kaugnayan sa iligal na droga ang pamamaslang.