Elvis Benito
  • Sex: Male
  • Age: 46
  • Occupation: truck driver
Incident Details
  • Date of Incident: August 3, 2018
  • City of Incident: La Trinidad
  • Province of Incident: Benguet
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

BAGUIO CITY – Pinagbabaril-patay ang isang drug surrenderee sa harap ng isang videoke bar sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet.

Nakilala itong si Elvis Buclao Benito, 46-anyos, truck driver at residente ng Upper Wangal, La Trinidad, Benguet.

Batay sa report, nag-inuman ang biktima at isa nitong kaibigan sa kanilang bahay bago umalis ang mga ito.

READ: Kabuoang halaga ng mga nasirang units at linya ng BENECO, aabot sa mahigit P30-M
Pagkatapos ng isang oras ay nakatanggap ng tawag ang anak ng biktima na nagsasabing nabaril ang kanyang ama.

Itinakbo ang biktima sa pagamutan ngunit namatay din ito dahil sa dami ng tama ng bala ng baril na kanyang natamo.

READ: Mga grupong may pakana ng ‘Red October,’ kanya-kanya nang pagtanggi – Esperon
Nagtamo ang biktima ng anim na gunshot wounds, partikular sa kanyang dibdib at nakuha pa sa katawan nito ang dalawang basyo ng caliber 45.

Nakuha pa sa crime scene ang anim na basyo ng bala at dalawang bala.

Napag-alaman na ang biktima a drug surrenderee ng La Trinidad PNP.