Edwin Melicor
  • Sex: Male
  • Age: 50
  • Occupation: Tricyle driver
Incident Details
  • City of Incident: Lapu-Lapu City
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Barangay Maribago, Lunes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumarada sa gilid ng kalsada si Edwin Melicor, 50 anyos, habang nag-aabang ng mga pasahero. Nilapitan siya ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo at pinagbabaril.

Hindi pa matukoy ng awtoridad kung sino ang mga salarin dahil nakatakip ng mga mukha nito.

Ayon kay Staff Sergeant Deen Sanchez, personal grudge at ugnayan sa ilegal na droga ang tinitingnan nilang motibo sa pamamaril.

May nakaalitan umano ang biktima nitong mga nakaraang araw. Napag-alaman din na kalalaya lang ng biktima sa jail facility nitong taon dahil sa pagtutulak ng droga.