Eduardo Canlas
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 1, 2018
  • City of Incident: Antipolo City
  • Province of Incident: Rizal
  • Killed in police operation at home
Source(s)

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang lalaki nang manlaban umano sa mga pulis na naghain ng warrant of arrest sa kaniyang tahanan dito sa lungsod, Sabado.
Kinilala ang napatay na suspek na si Eduardo Canlas alias “Toyi,” isa umanong kilalang tulak ng droga at ang number 2 most wanted person sa siyudad, ayon sa mga pulis.
Maghahain sana ang pulisya ng arrest warrant laban kay Canlas na sangkot sa mga kasong murder, robbery-holdup at carnapping sa lungsod, ani Supt. Villaflor Banawagan, hepe ng Antipolo City Police.
“Member [siya] ng Bong Chavez Group na sikat na sikat sa gun-for-hire at drug peddling. Kanang kamay ni Bong Chavez ito,” sabi ni Banawagan.
Nauna nang napatay si Bong Chavez as isang engkuwentro.
Matagal nang minamanmanan ng mga pulis si Canlas, pero nagpalipat-lipat ito ng tirahan, sabi ng hepe.
“Ang hirap habulin at arestuhin dahil sa dami ng tahanan, palipat-lipat. Malakas ang loob dahil araw-araw malakas ang tama,” aniya.
Nakuha mula sa napatay na suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu at isang baril.