Dahil sa dami ng pinakawalang putok, tinamaan naman ng ligaw na bala sa braso ang kapatid nito na si Luisa. Matapos ang krimen ay saka tumakas ang mga suspek habang dali-daling isinugod ng mga magulang ang mga biktima sa PGH.
Edgar Ruamiro
  • Sex: Male
  • Age: 24
  • Marital Status: Single
Incident Details
  • City of Incident: Manila City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Isa ang patay habang sugatan ang isa pa nang tambangan ng riding in tandem sa P. Ocampo kanto ng Bautista Street, San Andres Bukid, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) si Edgar Ruamiro, 24-anyos, binata at residente ng 2202 Tramo Street Pasay City.

Habang sugatan dahil sa ligaw na bala si Luisa Ruamiro, 26, saleslady sa isang mall at kapatid ng nasawi.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng Chevrolet Spark LS na may plakang TOS 677 kasama ang kanilang magulang na sina Ernesto Ruamiro, 47-anyos at Erlinda Ruamiro, 50-anyos na isang barangay kagawad ng Brgy. 53 Zone 7 Tramo St. Pasay City .