Ayon kay Poice Maj. Rosalino Ibay, hepe ng Manila Police District-Special Mayor's Reaction Team, nakita ang bangkay ng biktima 50 metro mula sa minamaneho nitong SUV, na may mga tama rin ng bala at basag ang bintana sa driver's seat.
Anonymous
  • Sex: Male
Incident Details
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manilaa
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa southbound lane ng Lagusnilad tunnel sa Maynila nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon kay Poice Maj. Rosalino Ibay, hepe ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team, nakita ang bangkay ng biktima 50 metro mula sa minamaneho nitong SUV, na may mga tama rin ng bala at basag ang bintana sa driver’s seat.

Kasama ng biktima sa SUV ang 2 babae, na nakaligtas sa insidente.

Nagtatrabaho ang 2 babae bilang sales staff sa isang kompanya, kung saan nakarehistro rin ang SUV.

Nakatakas ang mga suspek gamit ang isa ring SUV na walang plaka.

Hindi pa matukoy ang motibo sa krimen pero kinuha ng mga suspek ang mga personal na gamit ng biktima.