Darry Alvarado
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 15, 2018
  • Time of Incident: 6:45 am
  • City of Incident: Antipolo City
  • Province of Incident: Rizal
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Rizal – Nauwi sa madugong engkwentro ang pagsisilbi lang sana ng arrest warrant ng Antipolo City police sa tatlong suspek sa Purok 3, Brgy. Cupang, Antipolo City.

Ayon kay Antipolo Police Chief Supt. Villaflor Banawagan, nagkaroon ng komprontasyon nang maghain sila ng arrest warrant sa suspek na si JR Dispojo alias Tisoy na sangkot umano sa robbery-holdup at illegal drug activities sa Antipolo City.

“Itong si Tisoy marami nang information dito sa Antipolo… na sila ay involved sa robbery-holdup at carnapping,” kwento ni Banawagan sa panayam.

Bigla na lang nanlaban ang suspek at ang mga kasamahan nito dahilan para gumanti rin ang mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang isang Toyota Revo at 3 motorsiklo na pinaniniwalaang ninakaw ng grupo ni Dispojo at ilang mga iligal na droga at paraphernalia. (Toto Nabaja)