Crisanto Cergantes
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 15, 2018
  • Time of Incident: 5:10 am
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang drug personality na kabilang din sa drug watchlist makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) habang isinasagawa ang anti-drug operation sa Purok Sta. Monica, Barangay 4, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Romulo Albacea, chief of police dito, nakilala ang napaslang na si Crisanto Cergantes, may sapat na gulang ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-5:10 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation subalit nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon kung kaya bumunot ng kalibre 38 at nagpaputok. Gayunman, nagmintis ito at nang gumanti ang mga awtoridad ay doon na tumimbuwang ang suspek.

Narekober ng SOCO sa bulsa ng short pants ng suspek ang isang coin purse na naglalaman ng 14 plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang baril na ginamit nito sa umano’y pakikipagbarilan.

Nauna rito, naaresto rin sa buy-bust operation sa Barangay Kanlurang Mayao si Antonio Salingguhay alyas Pastog na nakuhanan ng ilang plastic sachet ng shabu.