Arnie Dimpaso
  • Sex: Male
  • Age: 28
  • Occupation: scrap trader
Incident Details
  • Date of Incident: September 15, 2018
  • Time of Incident: 2:57 am
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

BULACAN , Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang la¬laking negosyante na sinasabing nasa drug watchlist matapos na pasukin ng dalawang ‘di kilalang armadong lalaki sa kanyang bahay at pinagbabaril sa harap ng pa¬milya habang nasa kasarapan sila ng tulog sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City kamakalawa ng ma¬daling araw.
Napuruhan sa ulo at katawan na naging dahilan ng agarang kamatayan ng biktimang si Arnie Dimpaso, 28, scrap trader, ng Malabon Triangle Malaysia St.,Brgy. Sto. Cristo sa naturang bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:57 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang kanyang asawa at mga anak sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar at ilan pang sandali ay biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril saka nagtungo sa ikalawang palapag.
Nang makita ang kanilang pakay ay dito na nagpa¬kawala ng sunod sunod na putok ang mga salarin sa biktima na nagresulta ng kamatayan nito habang hindi naman sinaktan o ginalaw ang kanyang pamilya at nang masigurong wala na itong buhay ay kaagad na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Lumalabas na isinasangkot ang biktima sa serye ng pagnanakaw at nakatala rin umano siya sa Barangay Anti-Drugs Abused Council watchlist sa kanilang lugar.
Sinisilip ang anggulong onsehan sa partehan ng pera ang isa sa motibo sa pamamaslang.