Anacito Delante
  • Sex: Male
  • Age: 38
Incident Details
  • Date of Incident: October 18, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation
Source(s)

DAVAO CITY – Napatay noong hapon ng Linggo ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Barangay 23-C sa lungsod na ito.
Ayon kay Chief Inspector Michael Uyanguren ng Davao police, bumunot ng baril ang target ng operasyon na si Anacito Delante, 38 anyos, matapos magpakilalang pulis ang kaniyang katransaksiyon.
Napilitan tuloy ang pulisya na makipagpalitan ng putok sa suspek na ikinasawi nito.
Isinugod pa sa ospital si Delante pero idineklara ring dead on arrival.
Nakuha sa suspek sa ospital ang 10 sachet ng hinihinalang marijuana powder at isang sachet ng dried marijuana leaves, ani Uyanguren.
Dagdag pa ni Uyanguren, suspek din si Delante sa mga insidente ng pagnanakaw sa kanilang lugar.
Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang .38 revolver at ang fire cartridge nito, at isang fired cartridge ng 9 mm pistol.