Alsin Sape
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 21, 2018
  • Time of Incident: 2:45 am
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang dalawang pinaghihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na engkwentro sa Bulacan noong Martes ng gabi at isa rin kanina lamang ng madaling-araw.
Napabilang umano ang dalawang napatay na suspek sa most-wanted list ng San Jose del Monte City police dahil sa droga at ibat’t ibang nasangkutan na kimen sa lungsod, ayon sa ulat ng “Unang Balita.”
Nagsagawa umano ng buy-bust operation dakong alas-onse noong Martes ng gabi ang mga awtoridad sa barangay San Rafael 4, SJDM.
Matapos umanong makabili ng droga ang poseur buyer ng pulis, at akma na raw huhulihin ang suspect na kinilalang si Jovan Magtanong, agad umano itong nagpaputok sa mga pulis, na agad namang nakaganti at napatay ito.
Nakuha mula sa kaniya ang isang kalibre .38 na baril at apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Top-4 daw si Jovan sa most wanted ng lungsod dahil sa kaniyang pagkasangkot sa robbery holdup, carjacking at serious physical injury.
Samantala, mag-aalas-tres naman kaninang madaling araw nang magkasa ng isa pang buy-bust operation ang mga operatiba sa barangay San Rafael 1.
Nauwi din sa engkuwentro ang operasyon nang makahalata ang suspect na kinilalang si Alvin Sape na pulis ang katransaksyon.
Nakuha rin mula sa kaniya ang isang kalibre .38 na revolver.
Ayon sa mga awtoridad, pang-anim naman daw si Sape sa most wanted ng lungsod dahil sa pagkakasangkot niya sa iba-ibang krimen.