Alfred Gando
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 1, 2018
  • City of Incident: San Simon
  • Province of Incident: Pampanga
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Isang hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa buy-bust operation sa bayan ng San Simon, Pampanga madaling araw ng Huwebes.

Kinilala ni Chief Inspector Louie Gonzaga, hepe ng San Simon police, ang suspek bilang si Alfred Gando.

Nakipagpalitan umano ng putok ng baril si Gando matapos matunugang mga pulis ang kaniyang katransaksiyon, ayon kay Gonzaga.

Narekober sa suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money at ang gamit niyang kalibre .38 na baril.

Dagdag pa ni Gonzaga, dawit din sa mga insidente ng carnapping at basag-kotse si Gando.

Nakatakas naman lulan ng itim na motorsiklo ang isang hindi pa nakikilalang kasamahan ni Gando.

–Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News