AC Escubido
  • Sex: Male
  • Age: 21
  • Occupation: Sangguniang Kabataan chairman
Incident Details
  • Date of Incident: October 26, 2018
  • Time of Incident: 4:30 am
  • City of Incident: Gapan City
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation in public
Source(s)

GAPAN CITY, Nueva Ecija , Philippines — Napatay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa isang buy-bust operation ng magkasanib na puwersa ng Gapan City Police at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3 (PDEA-RO3) kahapon ng madaling-araw sa Barangay Malimba, ng lungsod na ito. Sa report ni P/Supt. Peter B. Madria, hepe ng Gapan City Police sa bagong talagang provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na si P/Senior Supt. Leon Victor Rosete, nakilala ang dalawang nasawing suspek na sina Aljon Ramos, ng San Miguel, Bulacan, at isang nakilala lamang sa bansag na “AC.”

Bandang alas-4:30 ng madaling-araw habang ini­aabot ng katransaksyong pulis ang P1,000 marked money sa suspek kapalit ng biniling droga nang makahalata umano ang huli. Dahil dito, agad umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng barilin na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.