Wuger Lopez
  • Sex: Male
  • Age: 39
Incident Details
  • Date of Incident: July 15, 2018
  • City of Incident: Malolos City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

BULACAN , Philippines — Napaslang ang isa sa dalawang umano’y karnaper matapos na kumasa sa pulisya sa naganap na “hot pursuit” operation sa Brgy. Mojon, Malolos City, Linggo ng gabi.
Kinilala ang nasawing suspek base sa narekober na driver’s license nito na si Wuger Lopez, 39, ng Brgy. San Jose, San Fernando, Pampanga habang tinutugis ang ‘di kilalang kasama nito.
Sa ulat kay Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, dakong alas-8:30 ng gabi habang nakaparada sa isang kilalang ospital ang sasakyang Nissan Sentra GX (UVK-645) na pag-aari ng biktimang si Nelson Manasala, 55, ng Brgy. Frances, Calumpit upang sunduin ang kanyang anak nang biglang lumapit ang dalawang suspek saka agad na tinutukan ng baril ngunit nanlaban ang biktima kaya sinuntok siya sa mukha at nagawang makuha ang sasakyan.
Kaagad namang nagpunta ang isa pang anak ng biktima sa isang Compac precinct upang iulat ang insidente. Sa paghahanap sa sasakyan, naispatan ang suspek na kasalukuyang tinatahak ang kalsada patungo sa Malolos kung kaya hinabol ng mga awtoridad. Pinaputukan nila ang mga gulong ng kinarnap na sasakyan hanggang sa maipit sa trapiko sa Brgy. Longos na naging dahilan upang kumaripas ng takbo at sumakay ang mga suspek ng isang pampasaherong PUJ.
Nagkaroon ng habulan at nang mamataan ng mga pulis ang mga suspek sa isang lugar sa Brgy. Mojon ay dito na sinubukang sumuko ng mga suspek subalit binunot ni Lopez ang kanyang armas saka pinaputukan ang mga pulis na naging dahilan upang maganap ang madugong shootout na ikinasawi nito habang narekober naman ng SOCO ang isang .22 revolver, mga bala, 10 sachet ng shabu at mga personal na kagamitan ng nasawing suspek.