Sunshine Matan-og

- Sex: Female
Incident Details
- Killed by unknown assailants in public
- Date of Incident: October 18, 2018
- Location of Incident: Albuera, Leyte
Source(s)
- http://www.bomboradyo.com/3-tauhan-ng-mga-espinosa-nakitang-patay-sa-albuera-leyte/
- https://www.philstar.com/nation/2018/10/20/1861466/ex-aide-kerwin-espinosa-wife-shot-dead-leyte
TACLOBAN CITY – Patay ang tatlong katao na pinaniniwalaang mga trustee ng pamilya Espinosa sa nangyaring magkasunod na insidente nang pagpaslang sa bayan ng Albuera, Leyte.
Una rito nakita na lamang ang bangkay ng isang Glenn Cartalina Calunsad sa Barangay Antipolo, bayan ng Albuera.
Ayon sa ka-live-in partner ni Cartalina, huli nitong napansin ang karelasyon na naglalakad sa kalsada nang biglang may dumaan umanong sasakyan na walang plate number at pinasakay ito.
Matapos ang dalawang oras nakita na lamang ang katawan nito na wala ng buhay at itinapon sa mabundok na bahagi ng naturang lugar.
Nakuha naman sa posisyon ng biktima ang ilang sachet na pinaniniwalaang shabu.
Samantala kinabukasan patay naman ang mag-asawa sa isang shooting incident na nangyari sa isang hotel na pag mamay-ari ng pamilya Espinosa sa Barangay Cambalading, Albuera, Leyte.
Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Bernartolin at Sunshine Matan-og, na nakatira sa Barangay Mabini, Ormoc City.
Sinabi ng ilang mga saksi, pinasok umano ng mga armadong mga kalalakihan ang isang resthouse na binabantayan ng mag-asawa hanggang sa pinagbabaril ang mga ito.
Inihayag ni S/Insp Salvador Apacible, hepe ng Albuera PNP, sa ngayon tinitinggan pa kung konektado ang dalawang krimen lalo pat pareho umanong mga tao ng pamilya Espinosa ang mga ito.
Sinasabing pareho rin daw na mga naka-bonnet ang mga suspek.
Kung maaalala ang mga Espinosa sa Albuera ay iniuugnay sa droga kung saan pinatay sa loob ng kulungan si Mayor Rolando Espinosa habang si Kerwin naman ay binansagan ding drug lord ng mga pulis.