Sony Santos
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: July 13, 2018
  • City of Incident: Taguig City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation at home
Source(s)

MANILA, Philippines — Todas ang tatlong sinasabing ‘tulak’ ng droga matapos na makipagbarilan sa opera¬tiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Taguig.
Sa lungsod Quezon na¬kilala ang dalawang napatay na suspek na sina Angelito Polimlim, 45, at isang alyas Jun Sputnik, na sinasabing mga residente ng Caloocan City at dumayo lamang sa Novaliches, upang magbenta ng shabu.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust ope¬ration laban sa dalawang suspek sa Brgy. Gulod, Novaliches.
Natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad na bumunot ng baril at nagpaputok.
Gumanti naman ng putok ang iba pang pulis na noon ay naka-deploy na sa lugar na nagresulta sa kamatayan ng dalawang suspek.
Nabawi sa mga suspek ang isang kalibre 38 baril, isang .22 revolver, 12 plastic sachet na naglalaman ng shabu, P500 buy-bust money at iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia.
Samantala, sa Taguig City patay din ang isang ‘tulak’ ng droga matapos makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Sony Santos, tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos, taga Pasig City.
Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, naganap ang engkwentro alas-3:50 ng hapon sa Brgy. Napindan ng naturang siyudad.
Nabatid kay Santos, nag¬hain ng warrant of arrest ang kanyang mga tauhan na nakatalaga sa Warrant Section, Intel Section at Special Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa suspect dahil sa kaso nitong may kinalaman sa droga.
Habang nasa gate pa lamang ang mga pulis, nang tinutuluyan ng suspect ay pinutukan na nito ang mga awtoridad hanggang tamaan si PO1 Sahraman Azura Hadjilatip at mabuti na lamang naka bullet proof vest ito at hindi napuruhan.
Gumanti ang mga pulis at sa palitan ng putok, wala ng buhay nang bumulagta ang naturang suspect.
Nabatid na ang napatay na suspect ay nasa drug watchlist ng Taguig City Police.