Ryan Delgado
  • Sex: Male
  • Age: 29
Incident Details
  • City of Incident: Bacolod
  • Province of Incident: Negros Occidental
  • Found dead
Source(s)

Isang lalaki ang natagpuang patay sa isang quarry site sa Barangay Alangilan, Bacolod City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Ryan Delgado, 29, na katulong ng caretaker ng quarry site sa Sitio Arceo sa barangay.

Nang mahanap ang bangkay ni Delgado, naka-underwear na lang ito at nakagapos ang mga kamay sa kaniyang likod.

Nakitaan ng 2 tama ng bala sa ulo at isang tama sa dibdib ang biktima, ayon kay Capt. Romulo Gepilango.