Ruel Labrador
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 22, 2018
  • City of Incident: Tagum City
  • Province of Incident: Davao del Norte
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Davao del Norte – Patay ang apat katao sa magkakahiwalay na pamamaril sa Davao del Norte.

Unang napatay ang mag-live-in partner na sina Gilbert Abapod at Michelle Alejandro nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Magugpo East.

Walong basyo ng bala ng kalibre .45 ang nakuha sa crime scene.

Nabatid na si Abapo ay dating pulis na na-assign sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Davao del Norte pero naaresto ito matapos mahulihan ng mga baril at ilegal na droga sa ginawang raid sa Agusan del Sur noong March 2018.

Patay rin ang dating preso na si Ruel Labador matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa nasabing barangay kung saan nasangkot ito noon sa iligal na droga.

Samantala, dead on the spot ang habal-habal driver na si Jimmy Barrientos matapos pagbabarilin sa Duterte Street, Barangay San Francisco sa Panabo City noong Martes kung saan dati na itong sumuko dahil sa ilegal na droga.