Rommel Olazo
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: July 12, 2018
  • City of Incident: Valenzuela City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation
Source(s)

MAYNILA – Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Sitio Kabatuhan, Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Rommel Olazo, alyas Combat.
Ayon sa pulisya, nanlaban umano ang suspek nang makahalatang pulis ang kaniyang katransaksiyon.
Nahuli naman ang kapatid ni Olazo at isang lalaki na naaktuhang gumagamit ng shabu.
Ayon kay Senior Supt. David Poklay, hepe ng Valenzuela City police, si Olazo umano ang source ng droga sa lugar.
Nakumpiska sa napatay na suspek ang 18 sachet ng hinihinalang shabu.
Napag-alaman na si Olazo ay dati na ring nakulong sa kasong robbery noong 2014 at nabaril din dati sa isang police operation.