Romeo Morco Jr.
  • Sex: Male
  • Age: 36
Incident Details
  • Date of Incident: September 10, 2018
  • City of Incident: Camalig
  • Province of Incident: Albay
  • Killed in police operation
Source(s)

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi ang isang 36-anyos na tulak ng droga na number 1 sa drug watchlist ng pulisya matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang buy-bust operation laban sa kanya sa Brgy. Bongabong, bayan ng Camalig, ng lalawigan noong Lunes ng gabi.
Dead-on-arrival sa municipal health unit ng bayan dahil sa maselang mga tama ng punglo sa katawan ang suspek na si Romeo Morco Jr., ng Sitio Lagtang, Brgy. Cotmon.
Sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi, inilatag ng Camalig Police sa pangunguna ni Sr. Insp. Kenny Tantiado ang buy-bust operation laban sa suspek sa Brgy. Bongabong. Gayunman, nang magkaabutan ng droga, pumalag si Morco nang aarestuhin ng mga operatiba at bumunot ng baril pero naunahan siyang paputukan ng mga pulis.
Agad isinugod ang suspek sa ospital pero ‘di na siya umabot nang buhay. Nakuha sa suspek ang ilang sachet ng shabu at maigsing kalibre ng baril na ang bala ay para sa M-16 armalite rifle.