Roldan Laviña
  • Sex: Male
  • Age: 32
Incident Details
  • Date of Incident: November 12, 2018
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation
Source(s)

NAGA CITY- Isa ang naitalang napaslang habang 85 na mga wanted person naman ang naaresto ng mga otoridad matapos ang isinagawang dalawang araw na Oplan Salikop ‘Golf’ ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na muling isinagawa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa ilalim ng pamumuno ng provincial director na si PS/Supt. Osmundo V De Guzman ang Oplan Salikop ‘Golf’ na layunin na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.
Sa nasabing operasyon, naitalang napaslang ang drug personality na kinilalang si Roldan Laviña, 32-anyos matapos na manlaban umano sa mga kapulisan sa Lucena City.
Maliban sa naturang drug personality na binawian ng buhay, naaresto rin ang 17 mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at nakumpiska ang 12.45 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P23,000.
Nasa 43 ang naarestong mga wanted person na nahaharap sa iba’t ibang mga kaso, tatlo ang naaresto dahil sa paglabag sa municipal ordinance, 15 dahil sa iligal na pagsusugal, siyam dahil sa iligal na pangingisda, isa naman ang nahaharap sa kasong iligal logging habang sampo naman ang nagsuko ng kanilang armas sa mga otoridad.
Sa ngayon, nananatili na sa kostudiya ng iba’t ibang PNP Stations ang naturang mga salarin para sa kaukulang disposisyon.