Rolando Gante
  • Sex: Male
  • Age: 41
Incident Details
  • Date of Incident: June 25, 2018
  • City of Incident: Malolos City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Santisima Trinidad sa Malolos, Bulacan.

Ang napatay na si Rolando Gante ay dati na raw sumuko sa Oplan Tokhang pero hindi pa rin daw siya tumigil sa iligal na gawain, ayon sa ulat ni Victoria Tulad sa Unang Balita nitong Lunes.

Nanlaban daw si Gante kaya napatay sa loob ng kanyang bahay.

“‘Yung kalapit na barangay nito… is Plaridel na. Dun daw sila kumukha ng items. May mga kasama na ito na nauna dito rin sa Barangay Santisima ‘yung dati nating na-armed encounter din,” ani Superintendent Heryl Bruno.

Samantala, napatay rin ang umano’y drug pusher na si Rogelio Rosales sa Barangay San Roque sa Pandi, Bulacan.

Bigla raw naglabas ng baril si Rosales nang aarestuhin na kaya pinaputukan ng mga pulis.

Isang caliber .38 at apat na sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula kay Rosales.

Sa Valenzuela naman, apat na tulak umano ng droga ang naaresto sa ginawang buy-bust operation sa Barangay Gen. T. De Leon.

Nadakip sina Bernard Fernandez at Marilyn Computo.

Nahuli naman sina Artemio Dela Cruz at Noel Rotairo na bumabatak daw.

Nakuha sa kanila ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. —Maia Tria/KBK, GMA News