Rojay Lucerna
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 27, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation in public
Source(s)

DAVAO CITY – Patay ang isang hinihinalang tulak habang arestado naman ang 3 niyang kasamahan sa buy-bust operation sa Barangay Lizada Proper, Toril, Davao City nitong Lunes.

Kinilala ang namatay na si Rojay Lucerna, alyas Bogart. Kabilang sa mga nahuli ay ang kaniyang asawa at bayaw.

Narekober sa kanila ang nasa P50,000 halaga ng umano’y shabu, mga drug paraphernalia, at kalibre .38 na baril.

Ayon kay Chief Insp. Reuben Libera, hepe ng Sasa Police Station, nag-ooperate umano ang mga suspek sa Panabo City, Davao del Norte hanggang Sasa nitong lungsod.

Ginawa umanong front ng mga suspek ang pagbebenta ng tingi-tinging gasolina.

Karamihan umano sa mga parokyano ng mga suspek ay mga drayber, dagdag ni Libera.

Nang isagawa ang buy-bust nitong Lunes, bumunot umano ng baril si Lucerna nang mahalata niyang pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Hindi na ito umabot ng buhay nang dalhin sa ospital.

Itinanggi naman ng asawa ni Lucerna na sangkot siya sa pagtutulak.

Aniya, nag-aaaway pa sila ng kaniyang mister tuwing gumagamit ito ng droga.

Mahaharap ang mga hinuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat nina Berchan Louie Angchay at Melanie Severino, ABS-CBN News