Roger Lagawan Mamalo
  • Sex: Male
  • Age: 63
  • Occupation: former Maguindanao vice-mayor
Incident Details
  • Date of Incident: July 21, 2018
  • City of Incident: Tacurong City
  • Province of Incident: Sultan Kudarat
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

(Update) KORONADAL CITY – Nasa listahan ng mga umano’y sangkot sa illegal na droga ang pinatay na si dating Sultan sa Barongis, Maguindanao Vice-Mayor Roger Lagawan Mamalo.
Ito ang kinumpirma P/Supt. Joefel Siason, hepe ng Tacurong City PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Siason, lumabas sa kanilang imbestigasyon na kabilang ang pangalan ni ex-mayor Mamalo sa mga opisyal sa Maguindanao na iniuugnay sa illegal drugs.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa umano matukoy ng pulisya kung ito nga ba ang motibo sa pagpaslang sa biktima.
Mula umano kagabi sa sugalan si Mamalo at pauwi na sa kanilang bahay sa Purok Sampaguita, New Isabela, Tacurong City nang tinambangan ng dalawang suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib, leeg at batok ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Nakuha naman sa crime scene ang anim na empty shells ng caliber .45 na siyang ginamit sa pagpatay sa biktima.
Agad namang ililibing ang bangkay ni Mamalo ayon sa kulturang Muslim.