Rogelio De Joya
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 31, 2018
  • Time of Incident: 7:00 pm
  • City of Incident: Gapan City
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation in public
Source(s)

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Hindi na nakasalubong sa bagong taon ang isa umanong dayo na tulak ng droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis na kanya umanong binentahan ng droga sa Brgy. Balante ng lungsod na ito noong bisperas ng bagong taon. Kinilala ni P/Supt. Criselda De Guzman, hepe ng pulisya, ang napatay na suspek na si Rogelio De Joya, ng Brgy. Magsaysay Norte, Cabanatuan City. Bandang alas-7 ng gabi kamakalawa nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa Balante Bvld., ng nasabing barangay laban sa suspek. Nang magpalitan ng marked money at droga, bumunot umano ng baril at nagpaputok ang suspek pero napatay siya nang gumanti ng putok ang mga operatiba.