Rodolfo Mayorca
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 3, 2018
  • Time of Incident: 11:40 am
  • City of Incident: San Pedro City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay sa buy-bust operation ang isang tulak umano ng droga sa San Pedro, Laguna matapos raw manlaban sa mga pulis.

Nahalata umano ng suspek na si Rodolfo Mayorca na pulis ang ka-transaksyon niya kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon, ayon sa ulat sa Balitanghali Weekend ng GMA News TV nitong Linggo.

Nakipagbarilan umano si Mayorca kaya gumanti rin ng putok ang mga pulis at nabaril siya.

Nakuha sa crime scene ang isang bulto ng hinihinalang shabu. —Dona Magsino/KG, GMA News