Rodelo Lava
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: May 18, 2018
  • City of Incident: Las Piñas City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang suspek na pumaslang sa Dean ng isang medical school sa Las Piñas City matapos umanong mang-agaw ng baril ng pulis habang sa mobile.

Ayon sa hepe ng Southern Police District na C/Supt. Tomas Apolinario, tinatahak ng pulisya ang kahabaan ng Alabang-Zapote para dalhin sa ospital ang suspek na si Rodelo Lava para isailalim sa medical examination nang bigla raw agawan ng armas ang isa sa mga escort na pulis.

Batay sa report ng LasPiñas City police, naisugod pa sa ospital si Lava ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa pagsasaliksik ng pulisya, natukoy na may mga kaso ang suspek hinggil sa pagnanakaw at paggamit ng iligal na droga.

Nakuha sa mga gamit ni Lava ang isang calibre .45 na baril at mga ID ng biktimang si Harivelle Charmaine Hernando.

Kung maaalala, nitong nakaraang linggo nang matagpuan si Hernando sa kanyang bahay na may tama ng mga saksak sa katawan.

Nauna ng kinasuhan ng robbery with homicide ang kasambahay ng biktima na si Juvy Acero at ang dating driver na si Dindo Legario na sangkot sa krimen.

Napagalaman din ng mga otoridad na may dati ng kaso ng frustrated homicide si Legario sa Puerto Princesa City, Palawan.