Rodelio Balanial Gutlay
  • Sex: Male
  • Age: 47
Incident Details
  • Date of Incident: December 28, 2018
  • Time of Incident: 4:30 pm
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

MATAPOS dumalaw sa nakakulong na misis, nasawi ang isang dating inmate matapos na ito ay pagbabarilin habang pauwi na sa kanilang bahay sa Lucena City kamakalawa nang hapon.
Ayon sa Lucena City police, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rodelio Balanial Gutlay na siya nitong agarang ikinasawi.
Ang 47-anyos na si Gutlay ay sakay ng kanyang motorsiklo at kagagaling pa lamang sa pagdalaw sa kanyang misis na nakakulong sa Lucena City District Jail dahil sa kasong illegal drugs nang ito ay pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin dakong alas-4:30 nang hapon.
Batay sa record ng pulisya, ang biktima ay dati ring nakulong dahil sa kasong iligal na droga at nakalaya lamang noong June 29 nitong taong ito.
Nakarekober ang mga pulis sa crime scene ng siyam na basyo ng 9mm na baril.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin.