Rodante Mamerto Aragao
  • Sex: Male
  • Occupation: jeepney driver
Incident Details
  • Date of Incident: November 26, 2018
  • Time of Incident: 1:45 am
  • City of Incident: San Pedro City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang tatlong drug suspects at dalawang robbery suspects sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga otoridad sa Laguna.
Ayon kay Laguna police director, Sr. Supt. Eleazar Matta, ikinasa ang anti-crime at drug operations mula Linggo ng gabi hanggang madaling araw ng Lunes.
Sa San Pedro City, nasawi ang suspek na si Rodante Aragao sa buy-bust operation sa Barangay Landayan.
Nasa drug watchlist ng pulisya si Andayao at nagtutulak ng ilegal na droga kasabay ng pamamasada bilang jeepney driver sa bahagi ng San Pedro at Pasay City.
Sa Barangay Pooc, Sta. Rosa City naman, nasawi ang suspek na si Roberto Paredes makaraang manlaban sa mga otoridad.
Sa Calamba City naman, patay din sa buy-bust operation na nauwi sa engkwentro ang suspek na si Raul Alex.
Nakuha kay Alex ang isang 5.56 caliber gun at siyam na sachet ng shabu at isang bisikleta.
Samantala, sa Cabuyao, dalawang hindi pa nakilalang lalaki ang nasawi sa shootout sa Barangay Mamatid.
Miyembro umano ng Termite Gang ang dalawa na tumatarget sa mga establisyimento sa bayan.
Isang residente ang nagsumbong sa mga pulis hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek at sa ilegal nilang gawain.
Nang magtungo ang mga pulis sa inuupahang apartment ng dalawa ay nagpaputok na ng baril ang mga ito.
Kapwa nasawi ang dalawa habang dinadala sa Ospital ng Cabuyao.