Roberto “Parak” Cruz-Domingo

- Sex: Male
- Age: 58
- Occupation: former police
Incident Details
- Killed in police operation in public
- Date of Incident: February 9, 2018
- Time of Incident: 11:15 pm
- Location of Incident: San Rafael, Bulacan
Source(s)
BULACAN, Philippines — Kapwa nasawi ang isang dating pulis at barangay tanod matapos silang kumasa sa mga miyembro ng pulisya sa kasagsagan ng drug bust operation sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA Region-3 sa magkahiwalay na lugar sa Malolos City kamakalawa ng gabi.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan ang mga suspek na sina Roberto “Parak” Cruz-Domingo, 58, ng Brgy. Ulingao, San Rafael, na-dismissed sa pagiging pulis noong 2005, at Jerico “Emong” Pangindian, 27, tanod ng Brgy. San Gabriel, Malolos City.
Sugatan naman sa operasyon ang mga biktimang sina PO2 Adonis Castro at PO1 Nico Marco Gutierrez, kapwa kagawad ng San Rafael Police na nilalapatan ng lunas sa ospital.
ADVERTISING
Sa unang ulat ni P/Supt. Laurente Aquiot ng San Rafael Police, dakong alas-11:15 ng gabi nang makipagkita ang dalawang nasugatang pulis kay alyas “Parak” upang bumili ng ibinebentang shabu sa naturang lugar. Nang magkaabutan ng pera at droga, sinubukang arestuhin ang dating pulis subalit binunot nito ang nakatagong armas at pinaputukan ang mga operatiba sanhi ng barilan na ikinasawi ng suspek.
Samantala, dakong alas-11:50 ng gabi, isang poseur buyer na pulis ang bumili ng shabu kay alyas Emong sa madilim na bahagi ng Brgy. San Agustin at habang inaabot na ang droga ay nakahalata ang suspek hanggang sa tinangkang paputukan ang mga pulis at nauhan siyang mapabulagta.
Narekober sa dalawang operasyon ang anim na pakete ng shabu, isang 9mm kalibre, isang .38 revolber, mga bala, isang pampasaherong tricycle na Suzuki 110 (CB-15571), iba’t ibang mga identification cards ng tanod at dalawang tig-P500 marked money na ginamit sa magkahiwalay na drug bust.