Roberto Dela Cruz
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 9, 2018
  • City of Incident: San Carlos City
  • Province of Incident: Pangasinan
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

DAGUPAN CITY – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang 39-anyos na lalaki na sinasabing miyembro nang tinaguriang Bagani cattle rustling group sa lungsod ng San Carlos sa Pangasinan matapos itong barilin.

Kinilala ang biktima na si Robeto Dela Cruz, isang magsasaka na residente ng Brgy. Balete Sur sa nasabing lungsod.

READ: Kagawad patay sa pamamaril sa Cotabato City
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinagbabaril ang biktima sa bahagi ng Quezon Blvd., sa nasabing syudad habang nagbayad ng pamasahe mula sa sinakyan nitong tricycle.

Dalawang tama ng baril sa katawan ang tinamo ng biktima na nagdulot ng agaran nitong kamatayan.

READ: Mayoralty Candidate sa Maguindanao pinalitan sa pwesto
Sa ngayon, inaalam pa ang totoong motibo sa pagpaslang sa biktima dahil maliban sa umanoy pagiging miyembro nito ng Bagani cattle rustling group, nahaharap pa ito sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga at robbery.