Roberto Atanante
  • Sex: Male
  • Age: 23
Incident Details
  • Date of Incident: June 13, 2020
  • City of Incident: Ligao City
  • Province of Incident: Albay
  • Killed in police operation
Source(s)

Dead on arrival sa pagamutan ang isang 23-anyos na lalake habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Pandan, Ligao City.

Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Atanante na agad nasawi nang dalhin sa kalapit na ospital habang sugatan naman ang kasamahan nito na si Domingo Porteria Jr., 26-anyos at kapwa residente ng Phase 3 Brgy. Pandan sa nasabing lungsod.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa mga posibleng motibo ng mga salarin sa pagpatay.

Samantala, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Ligao City Police Station at inaalam na rin kung mayroon iba pang kasamahan at motibo ng pamamaslang.