Robert Pagtalunan
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 13, 2018
  • City of Incident: Claveria
  • Province of Incident: Misamis Oriental
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Robert Pagtalunan at Curly Salcedo, ika-7 sa provincial target list ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon kay Chief Insp. Rogelio Labor, unang nagpaputok si Salcedo kaya tinamaan ang operatiba na si PO1 Oscar Mabayo, na nakasuot ng bulletproof vest.

Dito gumanti ng putok ang mga pulis at napatay sina Salcedo at Pagtalunan.

Narekober kay Salcedo ang isang kalibre .45 na baril, mga bala at 11 sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuha naman kay Pagtalunan ang isang kalibre .38 na revolver, bala at 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa 23 na mga drug suspect na ang napatay sa mga drug operation sa Misamis Oriental ngayong taon.