Rigor Pitolan
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 25, 2018
  • City of Incident: Paniqui
  • Province of Incident: Tarlac
  • Killed in police operation
Source(s)

TARLAC , Philippines — Patay ang isang hinihinalang “drug peddler” matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Tarlac Police na nagsagawa ng isang anti-drug operation sa Brgy. Sampot, bayan ng Paniqui kamakalawa. Sa ulat sa tanggapan ni Supt Luis Ventura Jr, hepe ng Provincial Intelligence Branch, kinilala ang napatay na suspek na si Rigor Pitolan, ng Brgy. San Roque, Tarlac City. Dakong alas-11:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Pitolan at isang poseur buyer ang bumili sa kanya ng shabu.
Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis subalit nagmintis ito. Napilitang gumanti ang mga operatiba hanggang sa mabaril ang suspek na kanyang agarang ikinasawi. Nasamsam ang sachet ng shabu, isang cal 38 baril at perang ginamit bilang marked money.