Richard Rivera Sangkap
  • Sex: Male
  • Occupation: fish supplier
Incident Details
  • Date of Incident: December 26, 2018
  • Time of Incident: 3:30 pm
  • City of Incident: San Fernando
  • Province of Incident: Cebu
  • Killed in police operation at home
Source(s)

CEBU CITY – Patay ang target ng drug buy bust operation sa San Fernando, Cebu matapos umanong manlaban sa mga otoridad.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni SPO1 Carlo Balosoto ng Fuente PNP na matagal ng lumulutang ang pangalan ng nasawing si Richard Rivera Sangkap sa kanilang listahan bilang dati na itong naaresto.
Matapos ang pagmamanman, natunton ang pinaglalagian ng suspek sa bahagi ng Sitio Filomeno, Brgy. Sangat.
Nakuha kay Sangkap ang ilang armas, tatlong malalaking pakete ng pinaghihinalaang shabu at isa pang pakete nito na may timbang na higit 300-gramo.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa mahigit P2.6-milyon ang halaga ng mga nasabat na suspected shabu.
Batay sa impormasyon ng pulisya, nabatid na may koneksyon umano ang suspek sa grupo ng self-confessed drug lord ng lalawigan na si Franz Sabalones.