Matapos ang pamamaril, tumakbo patakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa biktima.
Ricardo Gapaz Jr
  • Sex: Male
  • Marital Status: Single
  • Occupation: Tricycle Driver
Incident Details
  • Date of Incident: May 24, 2020
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki na kabilang sa drug watchlist ng barangay matapos barilin ng hindi nakilalang salarin sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Ricardo Gapaz Jr., binata, tricycle driver at nakatira sa 2069 Daang Bakal Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSMS Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay ng biktima kagabi.

Nauna rito, nagluluto umano ng hapunan ang biktima ayon sa kaniyang live in partner na si Rosalie Dimapilig nang pasukin sila ng suspek na nakasuot ng itim na jacket, facemask at bull cap nang biglang bumunot ng .45 kalibre ng baril saka pinaputokan ng ilang beses ang biktima.