Reynaldo Dante
  • Sex: Male
  • Occupation: agent of Philippine Drug Enforcement Agency who is on AWOL
Incident Details
  • Date of Incident: April 25, 2018
  • Time of Incident: 5:00 am
  • City of Incident: San Pablo City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Anim ang patay habang isang pulis ang sugatan sa magkakahiwalay na operasyon ng Laguna Philippine National Police (PNP) sa Calamba, San Pedro, at San Pablo nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sa isang resort sa San Pablo, isang AWOL na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent at dalawang iba pa ang napatay matapos makipagputukan sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation.

Kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo Dante na isang AWOL na PDEA agent, Wilbert Sardido, at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Pagmamay-ari ng isang Rocky Reyes ang nasabing resort na kasalukuyang nakakulong ngayon dahil din sa droga.

Narekober sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 na baril, marked money, at anim na sachet ng hinihinalang shabu.

Sa bayan naman ng San Pedro, patay ang isang lalaki matapos din umanong makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Hindi umano tumigil ang lalaki nang pahintuin sa isang checkpoint sa Barangay San Vicente.

Nasugatan naman sa insidente si PO1 Lester John Oliverio.

Sa Calamba naman, patay ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis.

Isa sa mga napatay ang drug suspect na si Christopher Gonce habang hindi pa nakikilala ang isang lalaki.

Una umano silang nagpaputok nang mahalatang mga pulis ang kanilang katransaksiyon.

Nakuha sa dalawang suspek ang isang kalibre .38 baril at isang improvised M-203.

–Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News