Rex Galvez
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 8, 2018
  • Time of Incident: 2:30 am
  • City of Incident: Pulilan
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

BULACAN , Philippines — Nasawi ang isa sa dalawang sinasabing mga notoryus na holdaper at matagal nang pinaghahanap ng pulisya matapos umanong manlaban habang pinasusuko sa naganap na panghoholdap sa isang lugar sa Brgy.Longos sa bayan ng Pulilan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na suspek na si Rex Galvez, nasa hustong gulang at nakatala bilang no.9 sa listahan ng “Oplan Lambat-Sibat” ng lokal na pulisya.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw habang nagpapatrolya ang mga pulis sa bisinidad ng Brgy. Longos nang mapansin nila ang isang komosyon sa pagitan ng dalawang lalaki at isa pang lalaki sanhi upang kanilang lapitan. Pero habang sila ay papalapit, agad silang napansin ng dalawang suspek kung kaya agad na tumakbo papalayo sa lugar saka sumigaw ang lalaking biktima na hinoldap siya ng mga suspek.

Nagkaroon ng habulan sa halip at binunot ni Galvez ang nakatagong armas saka pinaputukan ang mga pulis ngunit sumablay kaya isa ang napuruhan sa barilan habang nakatakas ang kasabwat nito na sinamantala ang kadiliman ng lugar.

Narekober ng rumespondeng mga kagawad ng SOCO ang isang .38 revolver, mga basyo ng bala, dalawang sachet ng shabu at P8,000 pag-aari ng biktima na positibong itinuro ang nasawing suspek na kasama sa mga humoldap sa kanya.