Raymund Maquidato
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 24, 2018
  • City of Incident: Los Baños
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation
Source(s)

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pinaghihinalaang notoryus na drug pushers matapos kumasa sa mga otoridad sa magkakahiwalay na shootout sa isinagawang buy bust operation sa lalawigan ng Laguna at Bulacan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Laguna Provincial Office, dakong alas-11:55 ng gabi nang mapatay ang drug pusher na si Raymund Maquidato alyas Emon; nasa drug watchlist ng pulisya sa drug bust operation sa Purok 2, Brgy. Bayog, Los Baños, Laguna.
Narekober sa operasyon ang isang sachet ng shabu, isang scooter motorcycle na gamit nito sa transaksyon ng droga.
Napatay naman bandang alas-2:00 ng hapon ang drug pusher na si Apolinario Dimaano sa buy bust operation sa Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna.
Habang naaresto ang mga kasama nitong sina Luis Marcelo, 51; Cherry Tarazona, 38; Cherry Ann Tarazona; Restituto Capucino, 39 at Rodelio de Leon, 42.
Nasamsam sa mga suspek ang siyam na piraso ng plastic sachet ng shabu, cal 38 revolver, tatlong mga bala at mga drug paraphernalia.
Dakong alas-12:50 ng madaling araw naman ng mapaslang ang drug suspek na kinilalang si alyas Apat sa operasyon sa Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan.
Nakumpiska ng mga otoridad sa crime scene ang isang cal. 38 revolver, dalawang plastic sachet ng shabu at mga bala.
Habang ang mga nasakoteng kasama ay sina Albert Deguia, 26; Jerry Trillana, 28; Noel Tayao, 21; Wilson Policarpip, 49; Evangeline Cruz, 38; Ian Fernandez at Jonathan Canoy.