Rainier Nagadia
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 5, 2018
  • Time of Incident: 3:00 am
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Dead-on-the-spot ang isang hinihinalang drug pusher habang arestado ang isa pa sa magkahiwalay na police operation sa Lucena City, Quezon.

Ayon sa pulisya, inaresto si Rainier “Migs” Nagadia sa bahagi ng Barangay Ibabang Iyam matapos mahulihan ng shabu sa pagbili ng isang pulis na nagsilbing drug buyer sa operasyon bandang 3:00, Linggo ng madaling-araw.

Dahil dito, nanlaban umano ang suspek na agad namang binalikan ng putok ng baril ng pulisya na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Sa Barangay Dalahican naman, nahuli ng drug enforcement unit ng lugar at Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) ang suspek na si Nelson Hernandez na kilala rin bilang “Sawa.”

Armado ng search warrant ang otoridad sa bahay ni Hernandez at anak na si Ronel sa bahagi ng Purok 5 dakong 3:00 ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng pulisya, sangkot umano si Ronel sa ilegal na droga ngunit wala sa kanilang bahay ng isagawa ang operasyon.

Nakumpiska sa bahay ni Hernandez ang siyam na pakete ng shabu na may bigat na 6.2 grams at isang digital weighing scale.

Kabilang ang mga suspek sa target na drug pushers na nagsusuplay ng shabu at marijuana sa lugar.