Ali Lumiguis
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: June 19, 2018
  • City of Incident: Siocon
  • Province of Incident: Zamboanga del Norte
  • Killed in police operation
Source(s)

SIOCON, Zamboanga del Norte – Patay ang 2 hininalang miyembro ng Isnain Lumiguis crime syndicate makaraang makipagbarilan umano sa mga awtoridad sa bayan na ito, Martes.

Kinilala ang mga napaslang na sina Ali Lumiguis at Ato Lumiguis. Kabilang sila sa 7 armadong lalaki na nakasagupa ng mga sundalo sa Sitio Bayol, Barangay Malambuhangin.

Naaresto ang 2 pang miyembro ng grupo habang nakatakas ang 3 pa nilang kasama.

Narekober mula sa mga nasawi ang ilang baril, bala at cellphone.