Phil Bryan Tan
  • Sex: Male
  • Age: 40
Incident Details
  • Date of Incident: June 6, 2018
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

BULACAN , Philippines — Nasawi ang dalawang lalaking hinihinalang mga notoryus na tulak habang anim na iba pa kabilang ang dalawang menor-de-edad ang naaresto matapos ang isinagawang drug bust operation sa koordinasyon sa Phil Drug Enforcement Agency (PDEA) Region-3 sa magkakahiwalay na lugar sa San Jose Del Monte City, Martes ng gabi at Miyerkules ng madaling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na sina Jonathan “Taktak” Tactac, 35, at Phil Bryan “Bryan” Tan, 40, kapwa mga residente ng Brgy. Muzon sa naturang bayan.

Ang mga naaresto ay sina Anthony “Foremen” Junio, 37; Bon Jovie Ordaniel, 2; Erroul “Erol” Deang 26, at Argie Billones, 32, habang ipinasa sa DSWD ang dalawang 17-anyos na lalaki.

Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose Del Monte City Police, dakong alas-10:10 ng gabi nang unang isagawa ang buy bust operation laban kay alyas Tactac at kasabwat nito sa isang lugar sa F. Halili Road, Brgy. Muzon. Habang nagpapalitan ng droga at marked money ay nakahalata ang mga suspek saka pinaputukan ng ilang ulit ngunit nagawang makapagtago ang mga operatiba saka gumanti na naging dahilan ng kamatayan ng dalawang suspek.

Narekober sa apat na operasyon ang isang 9mm pistol, isang .22 machine pistol, mga bala at magazine nito, 36 pakete ng shabu na nasa P250,000 halaga, P2,500 marked money, P700 drug money at dalawang motorsiklo na walang plaka.